ikaw pa rin, lian.

Posted Jun 21, 3:08 PM by Anonymous

hi lian. nakita ko lang tong website sa tiktok, eh ayaw ko naman mag chat sayo kasi tangina awkward yan, kaya dito na lang hindi mo rin naman makikita to panigurado. tangina lian, ang hirap mong kalimutan, akala ko dobrang dali lang pero hanggang ngayon iniisip pa rin kita, naiisip pa rin kita puta. ansakit sakit mong mahalin, sinaktan mo ako pero bakit ganito ikaw pa rin. i hate you for making me feel that way, sobrang gago mo, nakakainis ka pero puta mahal pa rin kita. sabi ko kada tinatanong nila ako e naka move on na ako sayo/satin kasi ayon yung alam ko e pero bakit parang ginagago ko lang yung sarili ko kasi hindi pa pala, ikaw pa rin pala. kada post na nakikita ko, kada songs na nagp-play, ikaw unang una kong naaalala. pati ba naman sa panaginip ko hindi ka nagpapaawat, sobrang hd ng mukha mo don pero yung iba e napaka labo kingina. mukha naman akong tanga dito, pero sige dito na lang at least hindi mo makikita, walang makakakita ahahhahhahha. shit ka, naka move on ka na siguro, may bago na siguro tapos ako? andito pa rin, hindi ako makausad traffic yata. tangina lian, kailan.. kailan ako makakausad, pinilit ko naman, ginawa ko naman e pero wala kingina, akala ko hindi na ikaw pero bakit ganito, nasasaktan pa rin ako. sabi ko bibigyan ko yung sarili ko ng time para ma unfriend ka sa lahat ng socmed account ko pero bwisit sa tiktok pa lang nagagawa ko. hindi ko na masabi to sa mga kaibigan ko e, nahihiya na rin ako mag open about sayo/satin kasi ang sabi ko hindi na ikaw. yung letter na ginawa ko sayo, nandito pa rin, hindi ko mapunit e hahaha sayang nga e, hindi mo manlang nabasa. alam mo ba natatakot ako na makita ka, feeling ko mamamatay ako kapag nagkita ulit tayo, nung kuhaan nga ng card e, akala ko ikaw yung nagsalita shet tumigil yung mundo ko non, tangina kahit ibang tao nagiging ikaw eh no. sabi ko na nga ba e, kapag nawala ka may part sakin na mawawala rin, totoo nga kingina parang may kulang sakin. shit ka, nagr-reminisce nanaman tuloy ako, hindi lang ako maaliw saglit, ikaw nanaman ulit. oy 3500 lang kaya neto shit ka, baka hindi umabot lahat ng gusto kong sabihin sayo pero pwede pa naman ako siguro gumawa ng bago e. nag open ako kila jana e, andami kong sinabi about sayo, pati mga takot ko tapos lahat ng kinakatakutan ko mangyari, nangyari na ahaha. napapaisip nga ako kung naiisip mo pa kaya ako kasi ako oo, naiisip pa rin kita. inangyan ilang weeks lang naman tayo nakapag usap pero shit hirap ako mag move on boss, baka nga mag months o worse years pa boss, hirap mong kalimutan boss parang ano naman e haha. ayaw na nga kitang maging cm e, natatakot ako haha kasi baka bumalik yon. magpapasukan na ulit tapos hindi pa ako nakakausad sayo/satin. kelan kaya? kelan kaya uusad tong traffic na to, gusto ko ng makausad e ahaha ayoko naman iandar kasi baka bumangga, masaktan lang ako. pero sana, sana bago tayo grumaduate e naka graduate na rin ako sayo boss, ayoko na e masyado ng masakit. masarap kang mahalin, pero masakit din ahaha mekus ba. antanga ko, ako tumapos pero ako tong di makausad. ikaw naman kasi, bat ganyan ka, ikaw tong umamin e pero ako yung parang naghabol. gago ang hirap lian, ang hirap mong kalimutan. sobra kitang mahal, genuine yung love ko sayo kaya siguro hindi ako makausad o sadyang hindi ko pa talaga kaya. lods, may chance pa ba? may time ba na babalik tayo sa isat isa? o hindi talaga tayo ang para sa isat isa, baka lesson lang talaga tayo for each other? i love you, hanggang ngayon. sana makausad nako.

Warning: This message contains language that some may find harmful.

Comments

Express your thoughts about this post anonymously!

Loading...
Loading...
Loading...

Sponsored Content

This helps run ToMyDearest.xyz